Saturday, April 3, 2010

chelecheleche.

ang sarap maging home buddy, masarap sa bahay namin eh, kahit walang ginagawa at walang makain din. Masarap dito kesa DOON. Atleast dito i am at home. eh DOON they will make you feel na you don't belong. fine then dito na lang ako sa bahay. :) Sa San Pedro, where I can find my true friends.

Pero... There's this part na gustong gumawa ng paraan. Pero naisip ko din, why should i? may mga taong pa din naman na mas makakaget along ako. Yung masasakyan ko yung trip nila. Yung mas kayang tumanggap kung sino talaga ako.

Masarap magblog pag wala kang mapagsabihan. :) raar

Sunday, February 21, 2010

hey. soon to be loner.

why am i feeling like this? sometimes, i feel like a loner. though i have friends, i feel like im an outcast, i dont belong anywhere. Na parang i have to build my own world na kasi i don't fit into others world. sadness.. cant expalain myself that much because me too can't understand myself. im tired, im not mad, im sad but still hoping for happiness.

im happy in a way because i have him. besides from my family, sometimes i feel like he's the only one that i have. he's my sunshine, my knight in shining armor?(iee)


I need PEACE. I need GOD.

Friday, January 8, 2010

title

hirap naman mag umpisa ng blog lalo na kung di mo naman alam kung ano bang sasabihin mo.
wala naman akong problema may mga bumabagabag lang, masaya naman ako, pagod lang talaga sa school. dami pinapagawa eh, its a good thing na hindi ako nagsasawang mag aral.

ngayong 2010, gusto ko sana mas maging open, mas maging simpleng tao, bawasan ang arte at maging tahimik kahit papano. Somethings bothering me, gusto kong maging approachable na tao, ganun yung gusto ko kasi gusto kong tumulong lalo na sa mga taong may problema na walang mapagsabihan, pero feeling ko hindi ako ganun tignan, feeling kasi ng iba ang taray ko. another thing is feeling ko im running out of friends dahil sa walang constant communication. ganun ba talaga? pag may lovelife ang low ng social life? feeling ko palagi i dont belong, wala kong sinisisi, tingin ko nasakin din yung mali.

i want to make things right this new year. sana magawa ko..

Sunday, August 9, 2009

There will always be hope...

One week na.. But I think everything is still the same. Ang hirap ng ganito, sobrang awkward ng feeling. Im writing again, here in my blog to share again and again , my story that is, for me, is very inspiring. Hindi niyo man maintindihan, well gusto ko lang ishare kahit papano..

I have this problem. A problem na hindi mo gugustuhing magkaron ka. Ang hirap hirap and ang sakit na din. It's not about my lovelife but somehow connected. Yesterday, dumaan ako sa simbahan to ask for His guidance. To tell him how and what I feel about this problem although alam ko namang alam na niya. Sabi ko "Di ko na po ata kaya. Sana makausap Kita kahit isang araw. Yung harapan na maririnig talaga Kitang nagsasalita. Please? kahit isang araw lang.." i asked for it not because i'm running out of trust but because I want to ask Him certain questions na makakapagpaliwanag sakin ng mga bagay bagay. Nahihirapan na kasi ako..

Then here comes Sunday, God's day.. Actually kakatapos ko lang magsimba ngayon eh.
During the homily sabi ni father "Wag kang mawalan ng pag asa anak. as long as tumatanggap ka ng Holy Eucharist, palaging may bagong pag asa"

Although those words didn't answer my questions atleast it helped me na wag mag worry and wag mawalan ng pag-asa. Sinagot pa din ako ni God, kinausap Niya ako and He touched my heart. Telling me not to worry dahil palagi lang Siyang nasa tabi ko.

sabi pa ni father everytime na may problema tayo wag daw nating sabihin Sakaniya na "Di ko na po kaya, kunin niyo na po ako" instead sabihin daw natin na " Kayang kaya ko po basta nasa tabi lang Kita"..


It's really amazing how God answers our prayer.

Sunday, May 24, 2009

may maiintindihan ba siya?

Minsan kahit gaano mo kagustong maintindihan ng taong gusto mong makaintindi kung di naman siya nakikinig sayo ng buo, may maiintindihan ba siya? Kung palagi niyang iniisip yung sarili niya, may maiintindihan ba siya? at kung walang magpapakumbaba,may maiintindihan ba siya? and vice versa?... at kung walang tatanggap ng pagkakamali, may magkakaintindihan ba? WALA, sa palagay ko.

Wednesday, May 20, 2009

"Pinapakaba lang kita anak" -Bro

Yesterday was my finals. Umalis ako ng 6:30 to give allowance para sa traffic pero 9am pa talaga yung exam ko. But it seems that yesterday was not my day dahil inabot ako ng malas. Nasiraan yung bus na sinasakyan ko thrice tumirik at nung pinababa na kami the hell to the driver hindi man lang kami tinransfer ng maayos sa ibang bus. Hinayaan kaming lumipat ng kanya kanya. So i transferred sa ibang bus, another greenstar and ano pa bang inaasahan ko, syempre nakatayo ako. Pag dating ng alabang fly over, here comes the traffic hanggang sucat. I felt like ive been standing for 8 long years sa bus. 8:30 pabuendia na ko, so i said, "ah kaya pa'to". Pag dating sa pgh suuuuupppeeerr traffic, at hindi ko na kinaya dahil 9am na. Bumaba ako ng bus sa PGH. at naglakad hanggang cityhall. ang pathetic ko naman kasi takot ako mag lrt mag-isa. So nasa jeep na ko papuntang school, pag dating ng morayta.. traffic na naman. I wanted to cry at that moment. super late na ko. Kinausap ko si Bro sabi ko sakaniya "bakit nangyayari to?wag naman po ngayon, finals ko po eh"...at dumating ako sa school ng 30 minutes late pero nakapagtake pa ko ng exam. while i was answering, nagsalita ang prof kong akala ko tulog. "sino si innahmarie?" wow. tinuro ako ng mga classmates ko,wala kong kamalay malay sabi ko "anong meron?" pero salamat sa sumagot, dahil walang sumagot. After the exam, sinabi sakin ng prof ko na i got 100 sa quiz6 namin. And that was when i realized na sinagot ni God yung tanong ko. parang ganito " Pinapakaba lang kita anak, syempre perfect ka sa quiz eh" :)

galing di ba?

I love you Bro...

Monday, April 6, 2009

long time no post..

i don't know where to start, actually i don't know what to say :) i think i lost my muse in writing (as if i have naman?)

let's just be careful and stop expecting. Stay away from temptation and the object of temptation.

holy shit.